8/14/2006

Aral pa

Tapos na ang tatlo sa pitong midterm exams na kukunin ko ngayong linggo. masakit na ang kamay ko sa kasusulat, ng kung anu-ano, mga kamay na hindi sanay mag sulat at kumopya ng notes, sakit na rin ang utak sa kaka isip, ng kung anu-ano. Sinong gustong magpahula't huhulaan ko, praktisado na ko mula kaning umaga pa sa dami ng hinulaan kong sagot. pero di nga, magaling ako manghula ng sagot kaya siguro pumapasa ako.

Pero di nga ulit, low batt na ko at sa tagal ko nang estudyante, ang nagbago lang eh wala na ang kaba sa tuwing may mga school exams na yan, pero di parin nagbabago ang katamaran ko sa pagkuha. Lugi nga siguro ang huling exam, feeling ko nalugi ang titser na yun sa mga kulang kulang at hilaw na sagot na sinulat ko, baka sabihin niya di ko siya naintindihan sa klase, eh hindi naman talaga. 'Apply the lessons that you've learned to your life' ang mga tipo nang tanong niya, banaman yan maam. 'the story speaks of greed and the power of money so next time just make sure that you won't be caught stealing or killing thy neighbor' sana isasagot ko eh wag na lang.

Di naman to reklamo siempre swerte nga ako't nakaka pag-aral pa ko, yung iba dyan , ah este yung marami dyan (libo libo) eh alam mo na, lalo na yung mga bata na kababago lang natutong magsulat ng mga linya at titik sa papel eh itinakwil na agad nang opotunidad sa edukasyon( teka ang lalim nun a)

At di nga, tsaka san ka ba makakakita ng college drop out turned full academic scholar ng eskwelahan? Di nga, na hindi na kailangan pumila sa napakahabang linya sa bayaran ng tuition, tuition na di mo na ma isip kung may saysay pa bang gastusin para umupo at tumunganga sa titser. Kung pano nangyaring college drop out turned scholer eh sa ibang araw nalang at medyo mahaba ata yun. dibale sabi ko nga lagi eh malaki ang utang na loob ko sa may ateneo rito samin at balang araw eh makakabawi rin ako sa kanila whew- kaya ano? aral pa?

8 comments:

fetus said...

hwag namang ganyan...

rudyman said...

baket man?

atticus said...

hala. aral mabuti. if it's worth doing, it's worth doing well.

nyemas. ateng-ate ako ah! pero tama ako. kaya sige. aral to the max. pogi points iyan.

Anonymous said...

Good luck on your next and upcoming exams. Its not easy to be a scholar in that school; I tried my darnest in the past but my performance on my accounting subjects just sucked like hell...

Abaniko said...

Basta, aral lang ng aral. Pagkagradweyt mo, pwede ka nang mag-relax dahil may kinikita ka na. Good luck!

rudyman said...

atecus, salamat po ate mag-aaral na pong mabuti hehe tnx

major tom, deberasan se. i find it difficult to make d grade coz u know, one has to do a lot of classroom politicking to get a high grade, and im not very good at that. hehe written exams aren't enough, dapat mag pa sikat daw kasi tsk

abaniko, salamat at tama ka pag graduate ko magpapa inom ako! hehe at malalaman niyo na lang kasi may mga confetti, banda, at fireworks na dito sa blog! haha

atticus said...

oist. update, update! magsulat, magsulat!

Anonymous said...

What a great site ยป