8/11/2006

wala lang

#1 Pag gising ko kanina napansin ko na natumba pala ang puno ng Nangka ng kapitbahay sa harap mismo, ay este sa gate mismo, ng bahay namin. kagabi siguro natumba yun pero di ko napansin kasi sarap ng tulog ko. pero di nga, sa nagdaang mga araw at ulan at semi-bagyo at lakas ng hangin, napansin kong dami nang punong natutumba kung saan saan.

Ang galing nga eh bihira lang ang bumagyo dito sa parte ng mundong ito at yung linya ng kuryente namin na disgrasya rin tuloy di ako nakapag charge ng cellphone pft

Nakakatuwa rin kasi kahit na delikado, dahil sa poste ng kuryente na kala mo madapuan lang ng langaw eh matutumba na, lakas loob parin ang lola ko na sumilong sa ilalim para lang sagipin ang mga orchids niya. sinabihan na siya na umalis pero tigas talga ulo, ayaw parin!

buti na lang malayo ang mayon.

#2 may nag text sakin di ko alam san galing wrong send eto sabi o>>> "Pre wag nlang muna papalitan kalbo ang barrel s ext-A kc nagnormal n kgbi pinatay ko lng mga 4:40 kc 3x nagblock out heater pati gas kya nhirapan ulit pumasok gas. txt u nlang me kung ano blita maya. angel"

gusto ko sana mag reply ng "pre, sabi ni boss kumuha ka ng posporo at sindihan mo ang barrel s ext-A, ahora mismo, kung hinde sisante ka!" pero nakonsesnya ako eh malay mo gawin niya at tanga pala siya! pero kung shabu factory yan ayus sana, pero hindi naman siguro

#3 midterms na dito next week. di ko na mabilang kung pang ilan na to...

#4 Minsan, meron talagang mga tanong na di mo maintindihan. Gaya ng titser ko kanina "Ikaw rudyman, ex-seminarian ka noh?" 'Yes maam' sana sasagot ko pero baka tamaan ako ng kidlat, madilim pa naman ang panahon. Ewan ko kung dahil ba sa mukha akong mabait (na totoo naman) o na gagaguhan lng siya sakin (na totoo rin naman). tsk tsk napa iling na lang ako... "No maam, how bout you?"



#5 Sige alis na ko at marami pa kong tatabasin na Puno!

8 comments:

Yowee said...

online ko! hehehe..thanks sa comments! gmail!

atticus said...

you really write well. nahahanapan mo ng magandang punch line, kahit ang layo ng mayon sa zambo. ang mga characters mo, kahit sandali lang lumitaw, may impact, may role.

hala, sulat pa. sulat pa! galeng!

*palakpaks like there's no tomorrow*

veraLeigh said...

how are you.

fetus said...

i'm fine thank you

Abaniko said...

Haha. Kompleto na ang Sabado ko dahil napatawa mo ko. Inisip ko tuloy, ano kaya ang gagawin ng lola mo kung sakaling sa may parte ng Mayon kayo nakatira at kasalukuyang sumasabog ang bulkan? Ililikas kaya nya mga orchid nya o hindi sya aalis dahil alang magbabantay ng mga halaman nya. Ayan, naging palaisipan tuloy sa akin.

rudyman said...

yowee! online din ako! (siempre kasi pag hinde, hindi ako makaka reply dito sa comment) nyehe

atticus, may impact talaga yang lola ko kahit anupaman hehe matsalams

veraleigh, ah! a very appropriate question

fetus, hindi ikaw! ako!

abaniko, lolz yun yun eh! palaisipan nga hanggang ngayon, pero ayos na na tabas na ang puno puede na siyang tumira sa garden niya ulit. hehe

Anonymous said...

Enjoyed a lot! Incorporating applets in Contact lenses free shipping

Anonymous said...

Very cool design! Useful information. Go on! Forum smoking stop residential interior design Amiture boys porn term finder insurance Ambien order after 3pm venlafaxine hydrochloride and solubility Leather horse racing saddles allergy Didrex 90 tablets $145 http://www.sportbottles.info Code flash mp3 myspace player Wheel chair seat Levaquin + birth control bills + pregnancy sofas st augustine florida plastic surgeon