namnamin ang hagip ng wala;
akalaing mo'y hatid sa iyo;
ng ibigkas nang mga espasyo,
ang di malaman kung paano.
ikaw ay nanigas sa dilim.
sa pagitan ng mga tinig. hubad.
na wari'y di maintindihan;
di malaman ang gagawin...
sapagkat.wala kang ibig ibigin.
ang halaga ng oras ba'y; gawin?.
iukit mo na lang sa tubig,
di mapakialaman.
di malaman kung saan...nawala;
pagbulatlat sa mga nasayang na sandali.
batong bato. sawi.
di malaman ang nanaisin. muli.
No comments:
Post a Comment