7/25/2007

Test mike

Test mike. Di ko napansin, mag lilimang buwan na palang walang update tong blog ko. Habang tumatagal na walang napopost, lalong wala kang ma ipost, maisulat. Kaya't eto ngayon at ako'y may ipopost. Una sa lahat last semester ko na ngayon sa kolehiyo, sa wakas. Nakaka panghinayang lang na sa pitong taon ko sa kolehiyo eh ngayong huling semester pa ko gumamit ng uniporme. imbes na mas maging mukhang bata, eh kabaliktaran. pero ayos lang, pero hindi talaga ayos. hindi talaga, pero ayos lang. hehehe nakaka miss na ang pagbabasa ng mga blogs, at sana'y magbabalik loob na ako sa pagbabblag.

No comments: