12/20/2006

Sakit sa Ulo

May natagpuan kang T-shirt sa Department store, ito ay
nagkakahalagang Php 97.00.
Wala kang Pera, humiram ka sa nanay mo ng Php 50.00 at
sa tatay mo ng Php 50.00...
magkano na pera mo? (ans: Php 100.00)

Binili mo ang T-Shirt, Magkano sukli mo?
(ans: Php 3.00)

Binalik mo ung piso sa nanay mo, magkano nalang ang
utang mo sa nanay mo? (ans: Php 49.00)

binalik mo ung isa pang piso sa tatay mo, magkano
nalang utang mo sa tatay mo?
(ans: Php 49.00)

Ung isang piso na sa iyo.

(ito na ang pang gulo)

49 + 49 ? (ans: 98)
98 + piso na nasa iyo? (ans: 99)

nasaan na ung piso?

7 comments:

nEeCA said...

nasan ba tol? hirap i explain!!! waah!!!!

fetus said...

hush... huwag kang mag-ingay, nasa akin...

Anonymous said...

nasa akin!!!! haha!! wala kai fetus!!! =P - Rikitiki

rudyman said...

neeca, wag mo na isipin, kanta ka na lang hehehe

fetus, ehhhh pag ano ehhhh

rikitiki, wala naman tlga sayo e, na kay anonymous! hehe

Anonymous said...

actually, wala namang kulang eh. pinagulo lang by adding two non-related numbers...nilagyan ng twist hehe.

Abaniko said...

naynti-sibin? kamura namang t-shirt na yan.

JOE said...

walang nawawalang piso! balanse naman. 97 yung shirt + piso = 98 utang sa magulang. hindi pwedeng idagdag yung piso sa total ng utang kc hindi naman dun related (gaya ng nabanggit ng una). ang naiwan sa kanya ay yung shirt at piso..kaya TABLA LANG!