9/23/2006

chickpoint

Sobrang dami ng mga checkpoints na yan eh di na ata maubos ubos, gabi gabi halos san mang lupalop ako mapunta eh parang binubuntutan ako nang checkpoint, kinakapkapan ka pa, eh di naman puede yun diba? bawal yun, tsakaparang araw-araw red alert, kesyo gun ban, kesyo LTO, army checkpoint, anak nang topak, first time akong ma para kagabi. syeet.

at yung dalawang kasama ko rin, daming diperensya ng mga motor ...nak nang... yung isang kasama ko student license pa lang ang dala, buti nalang registration lang ang hiningi sa kanya, ako naman kasi ang sticker nang motor eh 2005 pa, buti na lang eh 2006 na ang registration, ayus na sana eh hiningi ang lisensya ko, tsk, hehe sudent license rin ang dala ko eh, ilang taon na kong nag mamaneho, isang malaking kagaguhan nga naman eh noh pero anung magagawa ko, kaka tamad pumila sa LTO, buti na lang si bossing na marines naawa pa sakin, di gaya nung iba na walang awa, sinabihan na lang ako na wag na lang daw akong magpakita ulit sa kanya, wehehe pero nagkita parin kami nang lumipat na sila nang pwesto, wehe o di ata niya ko nakita.

Pero alam ko na di sila puedeng mangumpiska nang lisensya diba? kasi di naman sila LTO pero di nako umimik, para na lang akong tuta na sunod ng sunod, eh may baby armalite sila eh, sana ka? hehe ayus na rin yun may checkpoints para medyo makampante narin ang ciudad kahit paano, kahit minsan naiisip ko na parang wala ring gamit ang checkpoints na yan, kasi kung may gusto talagang pumatay eh papatay talaga, kung may gusto talagang magnakaw o mang holdup eh mang hohold up talaga, kung may gusto talagang mang kidnap eh mangingidnap talaga atbp. Kaya nung nakakita na kami nang isa pang checkpoint eh bumalik na lang kame, para sandali, yosi, para di obvious, tapos layas na hehe

oo next week pipila na ko pramis - badtrip, anlabo

6 comments:

bananas said...

Paranoia ng gobyerno ang tawag dyan...kapraningan. Palibhasa

duke said...

hay naku, antayin mo yung next post ko....syet syet syet talaga...just happened last night and i still can't get over it..

atticus said...

sabihin ko lang ulet...baka nakakalimot.

umuwi ka lagi nang maaga, ha? diretso bahay pagkatapos ng eskuwela. ingat lagi.

Anonymous said...

buti na lang you knew that marines can't confiscate your license. You should have complained bakit lisensya or registration ang hanap nila...that's not their task.

the caterpillar said...

hala! asa na nga tampi sa pilipinas nahitabo? por bida sab na sila oi...

rudyman said...

bananas, siguro nga, at nasanay na rin mga tao dito e

duke, an tagal ng next post mo, sana buhay pa ang tsikot mo

atticus, opo ate diretso bahay, uwi nang umaga, ah este maaga.

major tom, i tot about it pero baka ma hampas ako nang butt ng m-16 :) nasa pinas tayo e

pilar, diri na sa amua, zamboanga city, por vida gyud