Noong isang linggo muntik na kaming mapasabak sa gulo. Ilang oras na kaming naka upo sa canteen nakatambay, nag yoyosi, kape, kornicks at toothpick. Nakakatuwa nga kasi ang pinag uusapan namin non eh kung gano na ka tahimik ang campus ngayon (ang high school alma mater namin) di gaya noong mga ilang taon na ang lumipas, na laganap ang mga rambol at takbuhan at taguan at saksakan sa campus, at halos maparanoid na ang lahat nang mga tao dahil sa mga frat wars at gang wars.
Kaya yun, bigla naming napansin na may grupo ng mga estudyante (at yung iba hindi ata esduyante) na may kasamang mgandang bebot, na parang may hinahanap na tao. Alas ocho na nang gabi nun at kaka unti na lang ang mga estudyante at halos kababaihan pa lahat. Napansin naming unti unti nang napapalapit samin ang paghahanap nila, marami nakong nakitang matang nakatitig sakin at sa mga kasama ko. Taena, kahit na tumanda na kame dito sa eskwelahan na to (at dapat eh nag graduate na noon pa) eh di kame dapat maging kampante dito sa mga ugok na to, wala kaming kilala sa kanila at mukhang di na kame naabutan nitong mga to. Reload na, ready na. Taena, nagsitayuan na ang mga balahibo ko (feathers?) seriosong gulo to pramis.
Narinig ko ang pagbabagasag nang mga bote, napatingin ako sa mesa namin. Apat lang kame, dalawampu sila, dalawa lang ang bote nang softdrinks sa mesa namin. Taena, dehado kame. BLood bath.
Nakita ko yung magandang babae nilang kasamang nagsimulang itaas ang daliri para magturo. Sino raw ang bumastos sa kanya, tanong nung isa sa kanila na mukhang sabog. At nang pagturo na eh (at mukhang di pa sigurado) papunta diresto samin ang daliri niya. Taena niya, siya na lang babastusin namin? syet. Tumayo na yung dalawang kasama ko, at nag masid-masid, ako at yung isa eh na upo lang at humarap sa kanila. Mahirap na, baka maka libre sila nang hampas sa batok ko nang di ko alam, ano sila sinuwerte? Nanigas na mga kalamnan namin. Let's get it on?
Walang takas to. Isa lang ang labasan, at nasa likod nilang lahat. We were on desperate grounds sabi nga ni Sun Tzu (Sun Tzu bayun sa Art of War?), Grounds where in there is no flight and the only possible way to win is to attack the enemy as soon as possible. Taena nila, isa lang nasa isip ko, makapatay o mamatay, pero kahit saan doon, talo pa rin ako. tsk. Basta di kame tatakbong hindi lumaban, at kung tumakbo man raw kame, eh dapat eh may tumumba rin sa kanila. Pero di ako ganun, mambali pa siguro nang buto sa kamay o paa ok lang. Pero ang pumatay, di ata, siguro. :) Sabi pa nang dalawang law students na kasama ko eh, siguradong self-defense yun eh 20 sila at apat lang kame. ayos! hehe
At ayun, pinagsasampal nila ang lalake sa tabi ko.Kawawa naman. Mukhang kagagradweyt pa lang nang high school. Siguradong aabangan to sa labas, tsk kawawa talaga, sinabihan naming wag na muna siyang umalis sa upuan niya kung ayaw niyang ma guyod. Siya pala ang target, wala ring konsensya yung babaeng yun na nag dala pa nang isang batalyon, eh kung papatay yun?
Di nila na umpisahan ang gulo, dahil na rin may titser at mga tinderang nagsisisigaw at ang mga babaeng kasama nang kawaawang lalake na nag mamakaawang huwag nang tuluyan ang totoy nilang kasama.
Kung natuloy man yun eh sigurado atang masasama kame dun. Eh isa lang ang bubugbugin nila eh bente sila, eh saan nila ilalabas ang galit nila? at kanino nila ihahampas ang iba pa nilang basag na bote? Samin siguro kasi kame na lang rin ang natirang mga lalake nun. Swerte nila at di ako nagtawag ng reinforcement- air strike sana aabutin nila wehe
Kung natuloy ang gulo eh siguro may dedo na sa amin, o sa kanila ngayon.
9/10/2006
Art of war
posted by
rudyman
at
9/10/2006 12:30:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
hala. buti na lang nakalabas kayo nang maayos doon.
sa susunod, uwi ka nang maaga, ha? maglaro ka na lang ng computer. :)
huy tae. wag ka lumaban. di ka mananalo. walang mawawala sa kanila. isipin mo lahat ng mawawala sayo. mga gagong yun. pero kung kaya mo sila bugbugin lahat sige, tapos padala mo saken. para madami tayo pera. okidoks?
wow. that's kuya duke talking. :)
atticus, dahan dahan kaming naglakad palabas, parang nasa mine field (yung land mines?) at nag inuman na lang.
doc, di naman talga ko mahilig sa away, pero kung papadala ko sayo eh bucket p? may gamot pa ba sa patay? bwehe tae ako yung patay :)
atticus, kuya? o nga kuya pahiram nang plastic mo pambili ng siopao sa e-bay! nyehe
nga pala di ako maka comment sa blog mo kasi di na ko makabalik sa blogger, beta.blogger nako 4ever tsk. change mo yung pede other pati anonymous sa comments. :)
sabihin mo kay snglguy. di ko ma-gets. hehe. siya kasi nag-design. parang rocket science ang dating sa akin. hehe
aba, may balak ata ako magkaroon ng bisnis na morgue. kaya padala mo pa din sila kahit wala nang hininga! tapos benta tayo ng mga kidney. o ha! bisnis minded to tsong-go!
pati bebot na rin ngayon nakikigulo na rin ;) ingat-ngat uwi nalang ng maaga.
bloghopping...
iskoo, matsalams.tama! uwi na ko nang umaga.. ah este maaga pala.. wehe
Buti na lang talaga walang nagyari kungdi baka masyadong bloody..That ppor guy should be learning his lessons well...
Post a Comment