4/04/2006

Julius Babaw

kung meron mang mabuting naidudulot ang mga forwarded messages ay hindi yung mga pa senti senti na love quotes na pare pareho lng naman ang ibig sabihin. kundi yung mga iilang piling mga jokes na ubod ng ewan na minsan eh ewan ko ba kung sang lupalop ng kokote napupulot.

minsan talaga eh nagiging nakakatawa ang hindi naman dapat na nakakatawa. ubod na napapatawa ka na halos daig mo pa sa lakas ng tawa ang isang schizo na natawa dahil nakakita ng jeep na may gulong na umiikot. syet.

mababaw na kung mababaw ehwenongayon? bwehehe

Titser: "Juan, please recite in front of the class your 500 word essay."
Juan: "Yes Ma'am!"
Juan: "I have a cat named Ming. One day i found out that Ming was missing, so I went outside our house to look for her..."
Ming...? Ming....? (repeat 474 times)
____________________

Titser: "Juan, spell AMBULANCE."
Juan: "Yes Ma'am!"
Juan: "A..............M............B........."
Titser: "Faster!"
Juan:" whew whew whew whew whew whew "

* si floyd ang may kasalanan. hehe
________________________

Gaya na lang kagabi habang naglalaro kame ng texas no holde em poker sa bahay na kala mo eh totoong chips ang gamit, eh tinanong ako ng kapatid kong lalake na di maka intindi ng Cebuano kung anung ibig sabihin ng "Mingaw ayu" na sinabi ng katext niya.

ang sabi ko eh ang ibig sabihin ng Mingaw ay pinaghalong pusa at langaw. kumbaga pusa na may pakpak. at ang Ayu naman eh cross breed ng aso at kabayo.

natawa siya. ewan ko ba kung bakit siya natawa. di lang tawa kundi tang inang tawa talaga ang putcha di ko maintindihan pati ako natawa na rin.

yun pala iniimagine niya ang pusang may pakpak na pinapalayas, shooo! sabay lilipad ang pusa!

na realize ko rin na yun rin ang iniimagine ko.

putchang pusa talaga.

nang natapos na eh pinag isipan ko nang mabuti at tinanong ko sa sarili ko kung nakakatawa ba talaga yun. after much deliberation eh i concluded na hindi naman pala nakakatawa yun. nyeta eh ngayon pa kung kelan naluha na ko at sumakit na tiyan ko pati ngala ngala sa kakatawa ng halos 30 minutes!

pahamak talaga.

2 comments:

atticus said...

marijuana ba sinigarilyo niyo?

rudyman said...

ate, yun na nga eh kung ganun nga sana eh di na ko dapat magtataka kaya lang hinde eh. hehe