2/17/2006

walang jeep o walang pamasahe

mag aalas siete na nang gabi, nakatayo sa tabi ng kalsada, mauubos ko na lang ang pangawalawang stick eh wala pa ring jeep. nakapagtataka. sa laki ng kalsada eh bakit napili pa nang mamang to na tumabi sakin. "pre, tiene yo aqui kwintas, ta bende." sabi niya, (pare, may kwintas ako dito, binebenta). medyo pabulong, sabay pakita ng kwintas na nasa loob nang papel na maliit. mukhang di mapakali. mukhang mga trenta aƱos na, naka puting t-shit, madungis, naka pantalon, tsinelas. "nuway sen doy." sabi ko agad. (walang pera doy) [eh wala naman talaga] di ko natitigan ang kwintas, tinignan ko baka may kasama, baka sunggabin ako nito, pero maliit at payat lang siya. at mukhang wala namang karga. "para pasahe lang para bolbe pagadian." pabulong na sabi (pang pamasahe lang pa uwing pagadian) patingin tingin kung saan saan, di mapakali, di niya siguro gawain to. "nuway gayot doy" (wala talaga doy) iniisip ko baka may kasama talaga, pero ang lakas naman nang loob nila sa dami nang tao, tapos ako pa eh mas mukhang gangster ako. kunwaring di ko siya pinapansin, sabay tango parang nakatingin sa malayo kung may jeep na ba. kung may kasama to, iniisip ko na kung tadyak o sapak o takbo na lang kung sa tingin ko na hindi ko make keri. pero bigla na lang siyang nawala. di ko na nakita. napag isip isip ko na baka nga gusto lang tlga niyang umuwi, baka may nag aantay sa kanya sa pagadian, pamilya niya , mga anak na walang makain, at wala na siyang ibang malapitan, walang kakilala, mag isa na lang , pagala gala. o baka maayos siya non, may trabaho, disente, yun nga lang sa hirap nang buhay at na malasan siguro, eh nawalan na, gaya nang napakarami sa atin. kung hindi ako nagkakamali eh hiya at hirap sa mukha niya ang nakita ko. eh kung alam ko lang ang totoo at kung may maibibigay ako, bakit hinde. may pamasahe ako, walang jeep. maraming bus sa terminal, wala namang pamasahe. "hinde gat alegre queda pobre"

7 comments:

duke said...

here's an old post of mine.

http://qrs-complex.blogspot.com/2005/02/bente-pesos.html#comments

atticus said...

i understand how you feel. pag may lumapit na tao, either magdududa o matatakot ka. nakakainis kasi eh.
ang daming manloloko. hay.

rudyman said...

duke, ok lang yun case mo kac talagang humingi eh. sakin eh nagbenta. tsaka la rin ako bente. hehe

ate koos, dami nga mandurugas hirap maniwala

atticus said...

bagong derivative ng pangalan ko iyon ah!

rudyman said...

ate koos! hehe parang ate cool! :)

Anonymous said...

Best regards from NY! » »

Anonymous said...

[url=http://www.payloansonline.com]cash advance loans[/url]
This is the best way to get all your health products online like green coffee, african mango, phen375 and others. Visit now

[url=http://www.sbwire.com/press-releases/provillus-hair-loss-spray-treatment-for-men-discounted-online-by-provillus-193292.htm]Provillus[/url]