2/10/2006

aftershucks

kung tutuusin lang dapat ay maraming aral ang maidudulot nang trahedya sa Ultra subalit sa tingin ko'y ang katigasan nang ulo nang mga Pilipino ay hindi na mapapantayan kailanman. di na siguro talaga tayo makakatayo sa kinalalagyan natin. di na siguro talaga tayo magigising sa pagkaka himbing natin. ilang bansa man ang kinalaban natin at pinag alsahan natin para makamit ang kalayaan ay di parin sapat upang mailayo tayo sa landas na naghatid satin sa masalimuot na bangungot na ito. siguro'y masyado nang magulo at sira na imposible nang mabago, siguro'y masyado tayong naging mapagkatiwala, siguro'y di pa natin tunay na naranasan ang gulo at hirap na dapat ay nasa saloobin natin, siguro'y masyado nang napahiran nang kababawan ang lahat nang nakikita,binibigkas, iniisip at pinakikiramdaman, siguro'y hindi pa natin naranasan ang tunay na digmaan laban sa ating mga sarili, hindi pa natin naranasan ang gulo at trahedya na makakapag pagising sa atin nang tuluyan. siguro'y kulang pa, at papunta pa lamang tayo sa ating impyerno't kawalan. kung ito lang ang paraan eh hindi ako tututol. bow.

8 comments:

atticus said...

alam mo kung ano ang tingin ko roon? hindi kakulangan ng edukasyon o oportunidad. OPORTUNISTA kasi ang marami sa atin. ayaw maghirap para kumita ng pera. gusto biglang yaman. sa pila, ayaw sa huli. gusto, makaisa. basta makaisa at makauna.

ayan, high blood na naman ako.

saan ka na naman kasi nakakita na pila lang sa entrance, me namamatay? saan ka ba kasi nakakita na pader lang, bumabagsak at may pinapatay? bangka na dapat sa daungan lang, nagiging libingan? simpleng tingin lang, may nagpapatayan?

putang ina talaga. napaka-third world natin! wala na kasing sipag at tiyaga. lahat gusto, biglang milyonaryo.

ok. puso, puso.

Emmanuel said...

i think tol kasi kalaban natin mismo ang sarili natin eh.

kalaban natin ang mga taga mindanao, luzon, at visayas.

if you read the history of Africa you'll see that parang na-abort ang kanilang development in terms of civilization dahil pinasok sila ng puti.

even their form of government is ineffective and is not culturally efficient.

so right now even if we are free we dont know how to handle it. in fact we surrender it to people who we think are better than us and who understands the law.

and as far as im concerned we dont understand the law.

and even if its in our own language it is culturally inefficient still.


therein lies the problem.

rudyman said...

atticus, tama. marami nga satin ang opurtunista, hanggang may lusot, lulusot. hanggang may mas madaling paraan, gagawin. tamad mag isip, tamad intindihin ang dapat intindihin, tamad tamad tamad. napaka third world nga natin pero marami satin ang hindi pansin yun. kesyo mahirap, basta masaya lang bull****. masaya my ass. hindi masaya ang maging mahirap! at walang kinakain! nyeta, sino ba kasi nagtuturo sa tin niyan?

puso nga pala.

floyd, siguro masyadong bata pa ang demokrasya sa bansang gaya natin na sinakop nang kung sino sino... siguro rin kulang pa ang paglalaban sa ating sarili. di gaya nang ibang bansa na dumaan muna sa maraming civil wars bago nila naramadaman na totoong magkababayan nga sila... siguro, ewan ko, marami nga pang hindi naiiintindihan ang halos lahat sa atin.

duke said...

ay ang lalim ng mga koment. kwayet na lang ako.

rudyman said...

o nga ang lalim di ko na pansin...

sam said...

ako din... magbabasa na lang ako ng mga sinusulat nyo...

Anonymous said...

Very nice site! » » »

Anonymous said...

Enjoyed a lot! » » »