1/31/2006

pacmanny!

sa totoo lang, kung tumaya ako , masakit na sana ang bulsa ko ngayon. pero masaya naman ang puso ko. puede ba yun? sa susunod sana RPN 9 na lang ulit ang mag broadcast nang fight. na kaka badtrip na ang rivalry nang mga kapuso at mga kapamilya kahit alam nilang di naman nila ko ka ano ano. at sana si pacman lang ang makita ko sa tv at sa motorcade niya at hindi kung sinosinong baboy na di na nahiyang maki sawsaw sa kanya eh buti sana kung may tulong rin sila. baket sila ba nag pakain at nag bigay nang pamasahe kay pacman? sila ba ang nag turo sa kanya nang manila ice cream? at nung natalo ba si pacman, nag pakita ba sila? sigurado naman mag sisitakbuhan sila pag natalo si pacman. eto pa nangyari sakin nung laban... Round six. sarado lahat nang cellphone. di ako mag bubukas nang message. gusto kong tapusin ang laban. tutut. message recieved crush ko to, baka may sasabihing importante. buksan ko na lang... "pacman won! 10th round! yahooo! hehehe" putang inaaarghh.... oo na wala akong pang bayad sa pay per view.... paper view lang.

No comments: