12/09/2005

reuninom

ora orada na naman ang aming alumni celebration mamaya. di ko nga alam kung bakit alumni celebration ang tawag ko eh kung tutuusin lang eh INUMAN session talaga to maria del pilar! sus mio! two days ago nag umpisang mangolekta ang isa samin ng amot o contribution. 160 pesos kada uno cabesa. may listahan pa, at kada bayad dapat pumirma. transparency raw sabi ni mr. organizer. at kagabi last day na nang pang da damage. dinamay pa ko. anim kameng naglibot sa makulay at kumikislap kislap na kalsada nang city of flowers na wala namang flowers. at walang batchmate namin ang nakitaan nang ngiti everytime na makita kame. alam na nilang dudugo sila samin, ang mga Collectables. collect dito collect doon. suma total na tumataginting na tatlong libo para mamyang gabi. at marami pang hahabol bayad mamya. hindi mahirap i-manage ang funds. madali lang mag calculate.---> total funds / P (1 case stallion) equals to NO. of cases nang beer. at yung remainder, ice cubes at kung suswertehin, may lalamunin kame. o diba ang dali lang? kung may babae pa siguro eh mahihirapan na. mababaw lang kasi ang kaligayahan nang mga lalake. inuhaw ako dun ah. syet. andun na siguro sila nagtatayo na ng tent. at nag kakabit na nang videoke sa gitna nang campus. at papunta na rin ako dun. nag hahanap lang nang bwelo. paksyet na reunion to o. buti na lang at mga lalake lang ang kinubra at hindi na kinubra ang mga babae. wala naman kasing kabuhay buhay ang reunion doon. torch parade. may kaunting program. taos yun. tambay till dawn. titigan nang mata. paunahang ma ihi. may contest ata na pa tagalang tumambay under the hamog eh. im sure ang batch na naman namin ang mag iingay. ulit. kasi may tent kame, videoke na abot kamay ang langit. at sang katerbang maiingay at pasaway. siguradong kame ang center of gravity mamaya. di ako magtataka kung may troubled waters mamaya. makapag rubber shoes nga. ang maganda eh majority of my batchmates that will attend will come from the undergraduates or the superduper seniors. yung iba kasi eh, no care na at yung iba naman eh out of town na at nag babanat buto na. at bat naman di ako pupunta? ako ang lider of the left behind pack! hehe. pakapalan na nang mukha, total sayang yung 160 ko syet. 5 years after highschool graduation. may anak na si ano oh. ay si ano nasa dubai na. ay si kwan nasa callcenter. si ano medrep. yung isa abu sayaff. ah eh si ano MI eh. si kwan na baril.ah yung isa bumaril. syet. madami na atang nagbago. sana for the better. madami na namang mga tanong at interview mamaya. tsk tsk. gusto ko ngang i record na lang ang mga isasagot ko eh nakakapagod i repeat again repeat again repeat again (redundant ba?). puede wala nang tanungan? haay. every man is a self made man nga naman. but only the succesfull admit it. ok lang yan basta sana papunta tayong lahat sa tamang landas. uhaw na ko. adto na ko. anda ya iyo. punta na ko.

5 comments:

atticus said...

ganda. ganda entry. ganda ng wish. kaso hindi puwede sa reunion. sana puro good news na lang, ano?

your entry reminds me of my encounter with my classmate last october.

rudyman said...

FW- hehe puede nga noh

atticus- ok yung reunion, wala naman masyadong bad news. dami ngang good news eh. ako lang ata yung bad news dun. hehe

sam said...

alam mo tama si friedwater, ganda ng mga entry mo. galing! :)
nakakahiya ng magsulat hehehe

Anonymous said...

You have an outstanding good and well structured site. I enjoyed browsing through it Infiniti used auto parts

Anonymous said...

Where did you find it? Interesting read » » »