11/23/2005

AWOL mind

Isport pest na at wala na namang klase next week. it's the time of the school year where the students are in their busiest scheds. yahoO! excited raw ako. ilang beses na ba ko naka experience nang isports pest week? ah di ko na mabilang. feeling bata parin. syet. ok lang coz maybe i'll get the chance to finally break a sweat and dispose off even a microcosm of toxic wastes inside my body ex. alcohol nicotine etc. as useless sasali na naman ako sa super slow pitch na softball na siguradong ikakatalo na naman nang division naming sa dinami daming lalake eh puro basketball lang ang hilig. syet. last year eh lagi kaming talo, eh pano di pa naglalaro eh talo na! forfeit. aanim lang ang pupunta kala siguro eh sipa ang laro. haay. eh pano andun sila lahat nagsisiksikan sa bench sa basketball, waiting for their chances to play kahit maka isang dribble lang eh solve na sila... haay. don;t they realize how hopeless tayong mga pinoy sa larangang niyan? bat di na lang sila mag baseball? baseball is a beautiful sport. bias nga lang kasi 1 year old pa lang ata ako eh hinahagisan na ko nang itay ko nang bolang mas malaki pa sa ulo ko... baseball player kasi si itay at bata pa lang ako eh nakita na niya na may talent ako so ayun... wawa naman siya nagkamali pala siya. wehehe ang gusto ko talga sa baseball eh ang catching more than batting, actually im no good at the plate pero pag catching kahit buong linggo siguro kaya ko. yun nga lang these days, ilang hagis pa lang eh dila ko abot tuhod na. kaya siguro na rerelate ko rin ang aking hilig sa pag SAlo nang bola sa aking tolerance level sa lahat nang ihagis sakin. problema, bote, bato, cellphone o ano man . yakang yaka ko atang saluhin. naks (char?) yun nga lang no improvement parin kasi ang braso ko may defect, may pilay ata eh, either caused by my sensei dati sa kakahagis hagis sakin at pagbabalibag sa kin na wala naman akong kasalanan o baka noong sa kama, kasi nahulog ako sa kama. ngek. bwehe ang pinakamalakas kong baseball throw ata eh kasing lakas lang nang throw ni mahal. nge ngeng. hindi naman siguro. anyways and anyhows. where's the carabao? syet. heto na naman ako sa pinaka hilig kong hobby. ang ma BORED. wala na kong walang kwentang masulat so eto na lang muna.