3/19/2005

loves of my life. threesome

I sat down. i'm waiting for my fiance, Fe. inip na inip, di mapakali. excited.

matagal tagal na kaming di nagkita. mga isang linggo na rin. ewan ko lang, miss ko na kasi siya at sa tinagal tagal na naming magkakilala, i think almost 10 years na, pakiramdam ko napamahal na siya sakin. nung una medyo di pa kami laging nagsasama, pero nung unang pagkikita pa lang namin, alam kong puedeng tumagal ang relasyon namin.yung pang habang buhay. haaaay.... pero isa sa mga katangian na gustong gusto ko sa kanya eh, ang bango niya. ang bango talaga. especially when she's hot, i like her when she's hot. ewan ko lang. miss na talaga kita fe.

ang tagal mo naman. suddenly, Cenni Tio (intimate friend) popped out of nowhere. pulang pula, . ewan ko kung galit. napa ubo ako. malapit pa kong mabilaukan. patay she didn't say a word. she just kept still. eto namang si cenni, 5 years na kaming magkakilala. the first few years halos araw araw kaming nagkikita... pero ngayon, araw araw parin hehe. pero di gaya noon na halos buong araw kami magkasama. di ko ba alam, di naman love at first sight pero nung tumagal tagal na eh nahulog na ata ako sa kanya.

sa tingin ko nga mas in love ako sa kanya, pero ayokong isipin yon kasi alam ko masama yun. sa totoo lang di ko talaga alam kung bakit ako nagkagusto dito kay cenni, pero walang pagkakataon na tuwing mag isa ako, siya ang hinahanap hanap ko, di ko kayang mag isa na wala siya. di kagaya ky fe na kaya kong wala siya. kahit pag nakaupo lang ako na walang ginagawa gusto ko andyan siya. habang nakatambay sa may kalsada, nagbibilang ng sasakyan. o kapag namamasyal o kapag gabi na malamig. pero ang paborito ko ay yung tuwing madaling araw, early morning ba. during sunrise, mahamog , malamig . bagong gising. pero sa kanilang dalawa mas lagi kasing andyan si cenni, kaya maituturing kong mas close kame. pwera na lang ngayon kasi minsan na lang kami nagkikita. biglang may kumanta sa may tabi. nanggagago ata. Torn between two lovers Feelin like a fool Loving both of you Is breaking all the rules Torn between two lovers Feelin like a fool bwisit naman. hirap talaga, di ko talaga maintindihan. mahal ko silang dalawa. pero ewan ko kumbaga, mas nakaka addict si Cenni, pero alam ko di mawawala si Fe. pareho naman silang masarap sa labi. pero mas gugustuhin ko na habang buhay makasama si Fe kesa kay cenni. kasi alam ko someday di na kami magkikita ni cenni. ang lungkot. pero sa totoo lang, ang pinaka masarap kapag sabay sila! oo threesome. my fiance, Fe tsaka si Cenni Tio (her real name) da best talaga pag magkasabay kameng tatlo! haaay ang sarap ng buhay. dati madalas namin nagagawa yun, ngayon di na masyado, mahirap na. sarap talaga. di maipagpapalit. its one of those things that completes your day. mga masarap at relaxing na gawin , ng mga walang magawa at nang mga maraming ini isip. hindi intsik si Cenni ha at si Fe naman minsan local minsan imported, pero madalas talaga local lang sila. haaaaayyyy tama na nga. at sa wakas dumating na si Fe. nagkita kameng tatlo. waiter: "sir, eto order niyo , brewed short" ako: "thank you" ako ulit: "bosing..., ashtray" (gesturing wd my yosi)


*** sa mga di nakapansin, my fiance, fe and Cenni Tio are anagrams of caffeine and nicotine. (implying caffeine from coffee and nicotine from cigarrete of course) so wala lang, obvious naman diba? come to where the flavor is... niyaha!

1 comment:

Anonymous said...

This is very interesting site... Usa today 2005-2006 high school football rankings